Responsive image

ISKOLAR ni Gob sa bagong Ynares Center

First of many…ng ating scholarship payout sa bagong-bagong Ynares Center Montalban kasama ang halos isang libo nating scholars mula sa bayan ng Montalban at San Mateo.

Masaya tayong makita ang ating mga iskolar na full of energy at excitement— dahil bukod sa allowance na kanilang natanggap, game na game ding nakipaglaro ang ating mga isko at iska!

Siguro, sasabihin ng ilan na napakaswerte ng ating mga iskolar… pero sa totoo lang, napakaswerte ng ating lalawigan, dahil mayroon tayong matatalino, masisipag, at masikap na mga mag-aaral na alam nating malayo ang mararating.

Tuloy-tuloy lang tayo sa pagsuporta sa pangarap ng ating mga kabataang Rizalenyo. Basta may pagkakaisa at pagtutulungan, sigurado ang tagumpay. Kaya lubos din ang ating pasasalamat sa suporta ng mga kasama; sina Bokal JP Bautista, Montalban Mayor Ronnie Evangelista, Vice Mayor Umpek, Kuya Cong Tom Hernandez at ating mga nakasamang lingkod bayan para sa mga kabataang Rizalenyo!

#TaasNooRizalenyo
#IskolarNiGob
#LalawiganNgRizal