
Isa sa mga maha-halagang tradisyon sa Rizal tuwing Biyernes Santo ay ang Prusisyon ng Amba o Santo Entierro sa Taytay. Ito ay ang paggunita sa paghihirap at pagkamatay ni Hesus, kung saan makikita ang debosyon ng mga residente sa pamamagitan ng tahimik at taimtim na prusisyon.
"Ang salitang Santo Entierro ay salitang Espanyol na nangangahulugang “Banal na Paglilibing,” na sumisimbolo sa paglilibing sa ating Panginoong Hesukristo, kaya naman isinasagawa ito tuwing Biyernes Santo bilang bahagi ng Mahal na Araw."
Nawa’y maging makabuluhan at mapayapa ang paggunita natin sa Biyernes Santo.
All photos are credited to their respective owners…
#Lent2026
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo