
Bilang bahagi ng taunang tradisyon tuwing Biyernes Santo sa Binangonan, isinagawa ang Gewang-Gewang sa Parokya ni Sta. Ursula, kung saan dinagsa ng mga deboto ang prusisyon ng Santo Entierro.
Sinasabing nagmula ang tradisyong ito sa salitang “gewang” o “swaying” sa Ingles, na tumutukoy sa marahang pag-indayog ng santo habang isinasagawa ang prusisyon. Inaabot ang prusisyon hanggang madaling araw at tinatapos sa isang ritwal ng paglilibing. Taon-taon itong dinarayo ng mga deboto bilang kanilang panata, sakripisyo, pagpapakita ng kanilang pananampalataya at upang maging bahagi ng isang natatanging tradisyon na ipinagmamalaki ng Rizal.
Photo credits to the respective owners.
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo