
Ang paggunita ng Semana Santa ay isang pagkakataon na masaksihan ang husay ng mga Rizalenyo sa pagsasabuhay ng kwento ng Kanyang pagsasakripisyo.
Makikita ang lalim ng panata sa patuloy na pagsasagawa ng kani-kanilang Senakulo sa iba't ibang bayan ng Rizal.
Tampok sa Cainta ang Senakulo na isinasabuhay ng halos 18 grupo ng Panata, kabilang ang pinakamatagal na Samahang Krus sa Nayon ng Cainta at Samahang Nazareno, mga tatak ng matibay na debosyon ng mga Cainteño.
Nagsasama-sama ang mga Senakulista para sa isang makabuluhang pagtatanghal na nagsimula noong Linggo ng Palaspas sa Tanghalang Cainta at Lunes Santo sa One Arena.
Ngayong Biyernes Santo naman ginanap ang Parada ng Panata, ang grand parade ng lahat ng grupo na naglalarawan ng 14 Stations of the Cross na patuloy na dinarayo at inaabangan ng mga manonood at turista.
Photo credits to the respective owners.
#Lent2026
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo