Responsive image

Estacion Mayor sa Angono

Sa Rizal, ang pananampalataya ay mas tumitibay sa diwa ng sakripisyo.

Ngayong Biyernes Santo, muling nasaksihan sa Angono ang Estacion Mayor, isang panatang paglalakbay na dumaraan sa 14 na istasyon ng Krus sa iba’t ibang bahagi ng bayan. Sama-samang binabaybay ng mga deboto kasama ang pari at banda, habang humihinto sa bawat istasyon upang magnilay at manalangin.

Isang makabuluhang paggunita kung saan ang kalsada mismo ang nagiging daan ng pananampalataya at pagbabalik-loob. Sa ganitong mga panata, anuman ang henerasyon, patuloy na naipapasa ang lalim ng debosyon ng bawat Rizalenyo.

#Lent2026
#LalawiganNgRizal
#TaasNooRizalenyo